Lights, camera, slaughter!
Nanginginig man ang duguang mga kamay, hinawakan ni Robbie nang mahigpit ang video camera na nakatutok sa mukha niya. Pilit niyang itinago ang takot sa pamamagitan ng ngiti. “S-sa nanonood nito ngayon, ako si Robbie Chen. Nakaligtas ako sa Provident High Massacre dalawang taon na ang nakakaraan. Pero ngayon, `andito na naman ako sa Provident High at nakikipaglaban para sa buhay ko. Hindi ko alam kung sino ang mapagkakatiwalaan, hindi ko alam kung sino ang kalaban. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Nauulit ang lahat at sa pagkakataong `to, pwedeng hindi na ako makaligtas.”
Two years have passed since a student in a devil’s mask turned his prestigious school into a bloody nightmare. The survivors seem to have moved on; others are trying to forget the grim incident.
But for a group of college filmmakers, the nightmare’s just about to begin…