Ako si Pascal, ang poster boy ng St. Roche High School. Halos tatlong taon kong pinaghirapan ang titulo bilang pinakamahusay sa lahat ng special classes ng pinakaprestihiyoso at mamahaling private school sa bansa. Pero dumating si Sy. Isang bagitong ubod ng yabang na inakala mo kung sino! Galing ba siya sa ibang bansa? Mayroong private tutor sa lahat ng subjects? Bakit parang sisiw lang sa kanya na gawin ang mga pinaghirapan ko? Mayroon nga ba talagang mga likas na mahusay? Mga natural ang galing at tikas? Nakukuha ang mga gustong makuha nang hindi pinaghihirapan? Talaga bang sadyang nilikhang hindi pantay-pantay ang mga muffins sa mundo? Hindi ako papayag! Kailangang makita ko ang kahinaan ni Sy. O si Sy na ba ang magiging kahinaan ko?