"Siya ang babaeng hindi ko kayang paglaruan."
Sa unang beses na pagkikita nina Fara at Josh ay Hindi na si la nagkasundo. Dahil para kay Fara, mahangin at masungit si Josh. At para kay Josh ay masungit si Fara.
Kaya naman ganoon na lang ang inis ni Fara nang malamang kaklase niya ang binata. Paano na ang tahimik niyang college life kung parating papansinin ni Josh ang bawat kilos niya? Kayanin din kaya niya na makasama ito sa isang event?
Pero parang blessing in disguise ang pagsasama nila dahil maraming nalaman si Fara tungkol kay Josh, mga bagay na nagpaiba sa tingin niya sa lalaki.
Ano kaya ang magiging reaction ng binata kung sakaling malaman nitong nagkakagusto na siya rito? Pagtawanan kaya siya ni Josh o Hindi pansinin?
Hala!