Hindi ako titigil hanggang siya na ang mapagod at ang tanging option na lang na mayroon siya ay muling buksan ang puso niya para sa akin.
High school pa lamang si Taciana ay malakas na ang tama niya kay Chris Escalante. Ginawa niya ang lahat noon para magustuhan din siya ng lalaki. Ngunit naunsiyami ang mga pagpapansin niya nang bigla na lang itong umalis at nag-migrate sa Canada. After ten years ay bumalik ang binata. Nang malaman iyon ni Taciana, mabilis niyang isinakatuparan ang plano niyang sampung taon nang naunsyami. Liligawan niya si Chris.
Pero tila may invisible wall na iniharang ang binata sa pagitan nila. Hindi tuloy masungkit ni Taciana ang puso nito. Pero dahil makulit si Taciana, unti-unting natibag ang pader.
Umepekto ang panliligaw ni Taciana!