Love Letter Fairy (BL)
Written by: Cath Albuna
Illustrated by: Cha Miu
Love Letter Fairy - ang pinakapopular na school legend sa mga babaeng estudyante ng Eastdale Academy. Ito ang misteryosong patron ng mga estudyanteng may one-sided love na nagsusulat ng mga love letter para sa taong gusto nila. Hindi lahat ay mayroong lakas ng loob na umamin kaya naman marami ang umaasa na matutulungan sila ng Love Letter Fairy at mabibigyan ng katuparan ang mga simple nilang kahilingan.
Dahil sa mga natatanggap na love letters, nagpatulong si Xyrone kay August kapitbahay niya at member ng library committee para alamin kung sino ba talaga si Love Letter Fairy.
Isa lang ba siyang usap-usapan, o isa ring estudyante na umaasa na mapapansin ng taong matagal na niyang gusto?