Would you allow them to make you the most hated girl in the world and be my girlfriend?
Hindi kumbinsido si Lance sa salitang true love kahit na ba marami na ang nagsabi sa kanya na totoo iyong nangyayari. Pampasaya niya lang sa buhay ang mga babaeng dumaraan sa kanya. Para sa kanya, hindi totoong may fairy tales. Sa libro lamang mababasa ang mga iyon at hindi nangyayari sa buhay ng tao.
Sa kabilang banda, nangangarap si Joey na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Bilang tipikal at normal na dalaga, humahanga siya sa nagguguwapuhang nilalang sa mundong ibabaw. Kaya naman habang nagmamaneho siya ng taxi isang araw at naging pasahero si Lance, parang na-love at first sight siya sa lalaki. At kapag nga naman itinataon ng tadhana, nagawa pa niyang makapagtrabaho sa mismong kompanya na pag-aari nito.
Sa bawat araw ni Joey sa kompanya ni Lance ay maituturing na langit sa kanya kahit pa sabihing kasimbangis ng leon ang kanyang amo.
Magawa kaya niyang baguhin ang prinsipyo nito pagdating sa pag-ibig? O maging isa rin sa mga babaeng pinaglaruan ni Lance?