Shut up and kiss me!
Saksi si Muriel kung gaano kamahal ng boss niyang si Maam Lorie ang anak nito na si Riley. Kaya nang pinakiusapan siya ng ginang na magpanggap bilang si Samantha, ang ex-girlfriend ni Riley na mahal na mahal ng binata, ay hindi siya nagdalawang-isip. Dahil magkaboses sila ni Samantha ay naging madali para kay Muriel na mapapayag si Riley na magpaopera sa mga mata.
Sa loob ng mga araw na inaalagaan ni Muriel ang binata ay hindi naiwasang mahulog ang loob niya rito. Pero nang dumating na ang araw ng operasyon, gaya ng usapan ay kinailangan na niyang umalis at ang tunay na Samantha na ang papalit sa kanyang puwesto.
Pagkalipas ng ilang buwan, kahit anong pilit na pag-iwas at paglayo ni Muriel sa nakaraan ay hindi niya magawa. Matuklasan pa kaya ni Riley ang totoong pagkatao ni Samantha na nag-alaga rito bago ang operasyon? Magkakaroon kaya ng puwang si Muriel sa puso ni Riley o mananatili siyang anino ni Samantha?