hate Me To The Fullest But It Wont Change The Fact That Im In Love With You.
Ang dating tahimik na buhay ni Angelie ay biglang nagulo nang aksidente silang nagkakilala ni Jonas, ang lalaking ayon sa dalaga ay kung gaano kaganda ang panlabas na kaanyuan ay siya namang pangit ng kalooban. Sa unang pagkikita pa lang nila ay labis na ang naramdaman nilang inis sa isat isa. Paano matatagalan ni Angelie ang palagi nilang pagsasama ng lalaking pinakakinaiinisan niya?
Sanay si Jonas na madaling makuha ang lahat ng gusto niya. at ang gusto niya ngayon ay ang mawala si Angelie sa kanyang landas. Makukuha kaya ni jonas ang gusto niya? Paano kung bigla na lang maramdaman ng binata na iba na pala ang gusto niya? Na ang babaeng dating kinamumuhian ay maging babaeng kababaliwan niya? Paano niya makukuha ang babaeng ito kung sukdulan ang pagkainis nito sa kanya?