Hindi kita sinusuyo para maging kaibigan mo lang. Gusto kong higit pa roon.
Dahil nabigo si Marian kay Miguel, naisip ni Marian na pag-aralan na lang na pagtuunan ng pansin si Valang kaklase niya noon na ngayon ay nanliligaw sa kanya. Pero nagkamali si Marian, hindi pala dapat niya pinagkatiwalaan si Val, kagaya lang ito ng ex-boyfriends niyawalang kuwenta.
Sa sobrang kamiserablehan, naisip na lang ni Marian na magpakamatay pero to the rescue na naman si Miguel, sinabi nitong mahal siya at mabilis siyang naniwala.
Pero hindi lahat ng happy moments ay nagla-last forever. Nang madiskubre ni Marian na si Miguel pala ay isang doktor at Calvin ang tunay na pangalan, bumalik ang mga multo sa kanyang buhay. Sabi nga ng ex niya, sometimes love is not enough. Darating ang panahon, magsasawa na si Calvin sa mga tsismis at showbiz news na alam ni Marian. Darating ang panahon, hahanap si Calvin ng babaeng kasintalino nito.
Kapag nangyari iyon, baka magpakamatay na lang uli siya