Kailangan ko? Ikaw! Ikaw lang naman ang kailangan ko, eh. Ikaw lang, sapat na. Ikaw lang, solved na `ko.
Nang magpaulan si Lord ng ka-sweet-an sa mundo ay nasalo lahat iyon nina Jennifer at James. Matapos pumayag ng dalaga sa alok ng binata na magpanggap silang mag-asawa para hindi maipakasal sa iba si James ay unti-unti na ngang nahulog ang loob nila sa isat isa. Mukhang ang kanilang kasunduan ay mauuwi na sa totohanan.
Pero kung kailan naman nasa rurok na ng kilig ang relasyon nila ay siya namang pasok uli sa eksena ng supposed-to-be wife ni James na si Ericka! Oh, no! Mukhang hindi magpapatalo ang isang ito na makuha ang binata sa piling ni Jennifer. Paano pa kaya kapag nalaman ni Ericka ang katotohanan na hindi talaga kasal ang dalawa? Siguradong mala-roller-coaster ride na emosyon ang pagdaraanan ng perfectly imperfect love story nina James at Jennifer.