You dont know how much I wanted to have a time machine so that I could bring back the time and alter all my bad decisions. But like any other persons on earth, Amanda, I am just a human, capable of committing mistakes. I am not perfect, and all I want is a second chance.
Labis na nasaktan si Amanda nang mas piliin ni Dale na paniwalaan si Anastasia kaysa sa kanya. Parang isang masamang panaginip ang mga nangyari sa kanila ng binata. Hindi inaasahan ng dalaga na magmumula sa bibig ng nag-iisang lalaking minamahal niya ang masasakit na salitang kailanman ay hindi niya naisip na sasabihin nito.
Nagawa siyang iwan ni Dale dahil sa isang kasinungalingan.
Naisip ni Amanda na iyon na siguro ang pagkakataon para magbago siya. Iyon na ang tamang panahon para maging matapang, lalo pat unti-unti na niyang nalalaman ang mga lihim ng kanyang nakaraan. Pero may magagawa pa ba siya para mabawi si Dale kay Anastasia? Lalo na at natakda nang magpakasal ang dalawa?