Hindi ko ugaling manakit nang sadya at ganoon kalala.
Unang pagtatagpo pa lamang nina Deib Lohr at Max ay kinamumuhian na ni Deib Lohr
ang babae. Tuwing nakikita niya si Max ay hindi maaaring hindi mag-init ang ulo niya at gawan
ng kalokohan ang babae. Ngunit nang makita ni Deib Lohr ang kaawa-awang hitsura ni Max
nang i-bully ng isang estudyante at narinig na may boyfriend na ang babae ay hindi na siya
mapalagay. Hindi na maalis sa isip niya si Max. Sa panaginip, sa klase, at kahit kasama niya si
Kim ay si Max pa rin ang kanyang naiisip. Ipinagkompara na niya ang dalawa.
Ngunit agad na bumalik ang pagkamuhi ni Deib Lohr kay Max nang maaksidente siya
dahil sa kagagawan ni Max. At nadamay pa siya sa mga pinarusahan.
Hanggang saan hahantong ang pagkamuhi nila sa isat isa kung bawat araw na nakikita ni
Deib Lohr si Max ay pabago-bago rin ang nararamdaman niya para sa babae? Nakokonsiyensiya nga lang ba siya o naaawa kay Max dahil bukod sa kanya ay may iba pang nambu-bully sa
babae? O may mas malalim pang dahilan ang nararamdaman niya na kahit sa kanyang sarili ay hindi niya maamin?