“W-what!? Pumayag siyang maging partner ko? Ha! Eh, hindi ko naman siya niyaya.”
Matangkad, chubby, katamtaman ang kulay, nakatali ang kulot na buhok, hindi maganda at mukhang tomboy pa!
Ganoon i-describe ni Deib si Maxpein, ang transferee sa school nila. Hinding-hindi niya makakalimutan na sinapak siya ng babae kabago-bago lang nito! Kaya tuwing nagkikita sila ni Maxpein, palaging umiinit ang ulo niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na gawan ng kalokohan ang babae.
Pero hindi alam ni Deib na si Maxpein pala ang babago sa mga pananaw niya sa buhay.
Siya ba ang manggugulo sa buhay ni Maxpein?
O ito ang manggugulo sa buhay niya?