Minahal mo ba talaga ako o ginamit mo lang ako?
.....Masakit makita na ang taong minsan nang naging sa iyo ay pagmamay-ari na ngayon ng iba. Ano ang gagawin mo para lang mabawi ang taong hanggang ngayon ay hindi mo magawang kalimutan?
.....Si Sevenguwapo, mayaman, at matalino. Pero pagdating sa pag-ibig, wala yatang katumbas ang kanyang katangahan. Naisipan niyang lumipat sa Johnson Academy para gawin ang lahat, maibalik lang ang ex-girlfriend na si Justin.
.....Pero tila nagbago ang ihip ng hangin nang makilala ni Seven ang annoying na si Heart. Kagaya ni Seven, nais din ng dalagang mapabalik sa piling ang dating nobyo na sa kasamaang-palad ay boyfriend na ngayon ni Justin.
.....Nauwi ang lahat sa isang kasunduan. Pero hanggang saan ang kaya nilang gawin mabawi lang ang mga taong mahal nila?