If you cant afford to lose, dont even think of playing the game.
Si Jin, isang babaeng may halos perpektong buhay. May masayang pamilya, mababait na kaibigan at maalaga na boyfriend. Ang boyfriend na mismong first love niya. Ang unang pag-ibig na nagdulot ng sakit kay Jin na siya ring magbibigay ng lakas sa kanya. Paano kung ang boyfriend na akala ni Jin na bubuo sa kanya ang mismong gugulo sa kanyang buhay? Paano kung nagsimula lang ang lahat sa isang laro at kasabwat pa roon ang mismong mortal na kaaway niya?
Isang lalaki na may pangalang Gab ang darating sa buhay ni Jin. Ang lalaking tutulong sa kanya para bumangon at buuin ang kanyang sarili. Hindi man maganda ang simula ng pagkikita nila, unti-unti silang magkakalapit dahil sa isang pangyayaring babago sa buhay nilang dalawa. Ano nga ba ang pangyayaring iyon at paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating?
Nasubukan mo na bang makipaglaro sa pag-ibig o mapaglaruan ng pag ibig? Kung oo, nanalo ka ba o natalo sa huli