Nagtaka si Keitlene nang sunod-sunod siyang makakuha ng maliit na papel na may maikling mensahe na nakaipit sa kanyang libro.
May secret admirer kaya siya?
Napatunayan ng dalaga na totoo ang kanyang hinala nang mag-confess ito sa kanya. Ang maiikling mensahe pala na natanggap niya ay isa palang magandang awit. Nagpakilala ang kanyang secret admirer bilang "Knight Prince." Nag-confess din ito sa kanya on air at dahil curious, pumunta sa radio booth si Keitlene.
Ngunit sa halip na ang kanyang secret admirer ang makita ng dalaga, she saw the wittiest and the most michievous person she'd ever knownEinar Park. Hindi ito gustong nakikita ni Keitlene dahil paborito siyang asarin ng lalaki.
But when Keitlene saw the other side of Einar, she found herself falling in love with him.
Iyon nga lang, may fiancee na ang binata...
One-sided love pa yata ang drama niya.