Walang timer third party, selos, cool offr breakups. Wala yatang relasyon ang hindi dumaan sa ganitong mga isyu. At lahat ng iyanr napagdaanan na nina Yun Ju at Charlotte. Pero iba ang kaso nila ngayon. Sabi nga nilar nag-level up ang problema. Kung datir sinubok ni Yun Ju ang katatagan ni Charlotte, ngayon, babaligtad ang mundo.
Nagkaroon ng amnesia si Charlotte dahil sa isang aksidente. Sa paggising ng dalaga ay hindi niya maalala ang kasintahan. Hindi niya maalala ang lahat-lahat tungkol sa kanilang dalawa. Ang pag-ibig na matagal inasam ni Yun Ju ay tila mababale-wala ni Charlotte at maibibigay pa yata sa iba.
Matatanggap ba ni Yun Ju kung isang araw ay sabihan ito ni Charlotte ng: 'Tm sorry, I really don't know you."?