Every time I get the chance to be near you, nakakalimutan kong pigilan ang nararamdaman ko. Everything goes back to square one that I often think I have to stop depriving myself of you.
Kapwa talent manager sina Russia at Keiffer. Nagkakilala sila sa isang audition nang matanggap pareho ang kanilang mga alaga at naging lead actor pa. Ang inaabangan na eksena sa shooting ay tila unti-unting nangyayari sa kanila. Kumbaga, sila ang bida at hindi inaasahang mabuo ang kanilang relasyon.
Ngunit tila hindi makokompleto ang isang palabas kung walang kontrabida. Dumating mula sa Amerika ang kapatid ni Keiffersi Kattleya. Nagpapagamot umano ang dalaga dahil may psychological disorder. Si Kattleya ang manggugulo at sisira sa magandang daloy ng kuwento. Ang inaasahang magandang climax ng magkasintahan ay tila mauuwi sa trahedya.
Magtagumpay kaya si Kattleya sa inaasam na balak na mapaghiwalay ang dalawang nagmamahalan? Kina Russia at Keiffer, sino ang unang magpaparaya? Tulad sa shooting, magkaroon kaya ng CUT ang iningatang pag-ibig nila?