"Makulit ka, pasaway, nakakapikon, maingay pero lahat ng `yon ay minahal ko. Because I love you. I love you for the good things in you and I also love the irritating and worst thing about you. "
Dahil sa pang-iiwan sa kanya noon ni Poseidon ay takot na si Bree na muling bumalik sa piling ng lalaki. Pero dahil magkasama sila sa trabaho ay hindi maiwasang magkalapit silang muli. Hindi tuloy niya maiwasang kiligin sa mga ipinapakita ni Poseidon sa kanya, lalo pa nga at panay ang pangungulit nito. Mahal pa rin naman ni Bree ang lalaki ngunit nandoon ang takot na baka iwan lang uli sila.
Madugtungan pa kaya ang pag-iibigan nina Bree at Poseidon kung biglang manganib ang buhay nila sa isang mission? Matupad pa kaya ang masayang pamilyang pinapangarap ni Bree mula pa noon kasama si Poseidon?