I don't know how to tell you without making myself look like a fool.
Nang unang beses na makita ni Rafael si Atalanta ay natakot siya. Mukhang multo ang dalaga dahil sa fashion sense nito. Nang muli silang magkita, nagulat si Rafael nang makaramdam siya ng pagkagusto kay Atalanta. He wasn't afraid of her anymore. This time, because he found out that he liked her, he wanted to be close to her. Medyo nahirapan nga lang si Rafael na mapalapit kay Atalanta. Aloof kasi ang dalaga sa mga tao.
Pero ang lahat ng paghihirap ay may katumbas na reward. He made his way to Atalanta's life. Iyon nga lang, dahil parang may mga multong tinatakbuhan ang dalaga mula sa nakaraan nito, mabilis itong nakawala kay Rafael.
If only love can defeat even the darkest and strongest ghost of the past...