Ang Batang si Nena at ang Sabi Niyang "Um-ah-um-ah-ah"
Kuwento ni Abet B. Cruz
Guhit ni Beth Parrocha
Isang aleng hindi kilala ng batang si Nena ang nagpasama sa kaniya at nagsabing bibigyan siya ng laruan. Isa lang ang sabi ni Nena, "UM-AH-UM-AH-AH!"
Ito ang paraang itinuro ng nanay at tatay ni Nenakung paano tumanggi at pahalagahan ang kaniyang boundaries or hangganan kahit bata pa lamang.
Araw-araw kasi, nahaharap si Nena sa iba't ibang sitwasyon kung saan may mga taokilala at hindiang sumusubok sumakop sa kaniyang personal na espasyo o pilitin siyang gawin ang mga bagay na hindi niya gusto. Mula sa mga nag-aayang ale at nagsisikretong kaklase, hanggang sa ninang na nangingiliti at titong nanghahalik sa pisngi. Kaya't sa tuwing babanggitin ni Nena ang "Um-Ah-Um-Ah-Ah," lumalakas ang kaniyang loob at naipapakitang ang pagmamahal at respeto sa sarili ay kasing halaga ng pagiging mabait at magalang sa iba.
Pages: 32
Dimensions: 23 x 21 x 1 cm