It is with you I understood the real definition of perfect.
Matinding init ang naramdaman ni Faye sa unang pagtapak niya sa Maynila, ibang-iba sa malamig at preskong hanging dumadampi sa balat niya sa probinsiya. Sa pagpasok ng dalaga sa bago niyang mundo, maraming nangyari na higit pa sa kanyang nalalaman.
Sa isang iglap, nagbago ang lahat dahil sa isang katotohanan. Isang katotohanang bumago sa simpleng pamumuhay ni Faye. Parang perpekto na, parang teleserye, parang isang magandang panaginip!
Wala naman talagang inaasahan si Faye sa Maynila maliban sa makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang kanyang buhay sa hirap. Pero tila may ibang plano ang tadhana nang makilala ni Faye si Klyne, ang bokalista ng bandang Crash na unang pumansin sa kanya at mukhang balak nakawin ang kanyang puso.